(UPDATE) Negosyanteng Hapon, patay sa pananambang sa Maynila

Posted in: Featured, Latest News, Metro

(UPDATE) Negosyanteng Hapon, patay sa pananambang sa Maynila

By: ,

 

Kuha ni Cyrille Cupino

(UPDATE) Patay ang isang Japanese national matapos tambangan ang sinasakyang van sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Seiki Mizuno, 48-anyos, na kararating lamang sa Pilipinas kahapon para ayusin ang kanyang negosyo.

Sugatan rin ang isang kasama ng Hapon na si John Desbarro na nagtamo ng sugat sa ulo.

Kuha ni Cyrille Cupino

Kwento ng driver na si Rolando Singsing, pabalik na sana sila sa kanilang hotel sa Pasay City matapos kumain sa isang restaurant malapit sa Quirino Grandstand.

Habang nasa panulukan ng Pedro Gil at Roxas Blvd., sinabayan sila ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na kapwa nakasuot ng t-shirt, shorts ay sumbrero.

Laking gulat na lamang nila nang bigla na lang silang pinaputukan ng mga ito.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga suspect papuntang Southbound ng Roxas Blvd.

Kasama ni Mizuno sa kanyang sinasakyang Toyota Alphard na may plakang UHQ 319 ang tatlo pang Japanese nationals at dalawang Pilipino na pawang nakaligtas mula sa pamamaril.

Inaalam pa naman ngayon ng mga otoridad ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

Leave a comment