Fingerprint data, idadagdag ng Mastercard sa kanilang mga debit at credit cards

By Kabie Aenlle April 21, 2017 - 04:16 AM

 

Mula sa inquirer.net

Kasalukuyan nang sinusubukan ngayon ng Mastercard ang paggamit ng biometrics, partikular na ng fingerprint, para mas paigtingin ang seguridad sa paggamit ng credit cards.

Bukod kasi sa mas madali itong gamitin, mas magiging ligtas ang pagbabayad o paggamit ng credit card oras na fingerprints na ang gagamitin sa pag-authorize ng mga babayarin.

Oras na maipatupad ito nang tuluyan, hindi na kakailanganin pa ng paglalagay ng security pin o kaya ng pirma sa mga credit card dahil ang fingerprint lang ang kailangan para magamit ito.

Sa ganitong paraan, matitiyak na tanging ang may-ari lang ng credit card ang makakagamit nito.

Mapupunta ang biometric data ng cardholder sa EMV chip na nakalagay sa kaniyang card, na mababasa ng terminals na nakakabasa na ng EMV chips.

Sa ngayon ay sa South Africa pa lamang ito sinusubukan ng Mastercard, pero umaasa silang mapagamit na sa buong mundo ang bagong cards sa pagtatapos ng 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.