Sundalo, dinukot ng hinihinalang Abu Sayyaf sa Patikul

Posted in: Featured, Latest News, Provincial

Sundalo, dinukot ng hinihinalang Abu Sayyaf sa Patikul

By:

 

PatikulDinukot ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group ang isang sundalong patungo sana ng Barangay Igasan sa Patikul, Sulu kahapon.

Ayon kay Joint Task Force Group Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ang dinukot na sundalo ay si Staff Sgt. Siraji ng 32nd Infantry Battalion.

Si Siraji na isang dating rebeldeng Moro na na-integrate sa militar, ay dinukot ng hindi bababa sa pitong mga armadong kalalakihan dakong alas-9:30 ng umaga kahapon.

Tiniyak naman ni Sobejana na sa kabila ng pagdukot sa kanilang sundalo, hindi ito magiging dahilan para umatras sila sa laban kontra sa Abu Sayyaf.

Mas lalo pa aniya nila ipagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa bandidong grupo.

Leave a comment