6 kahina-hinalang lalaki, hinarang ng mga pulis sa Cebu

By Kabie Aenlle April 21, 2017 - 04:15 AM

 

Google Maps

Isinailalim muna ng mga pulis sa kanilang kustodiya ang anim na lalaking kahina-hinala umano ang itsura, na sakay ng isang van sa Baranga Tan-awan sa Oslob, Cebu.

Ayon kay SPO1 Arturo Balmores, deputy chief ng Oslob Police Station, lima sa mga ito ay pawang mga Muslim na mula sa Lanao del Norte, na may kasamang isang Kristyanong taga-Iloilo.

Ani Balmores, nakatanggap sila ng tawag mula sa bayan ng Balambang tungkol sa presensya ng mga kahina-hinalang lalaking sakay ng isang van na patungong Oslob.

Dahil dito, nagsagawa aniya sila ng checkpoint at pinara ang sasakyan tulad ng inilarawan ng mga pulis sa Balamban.

Tanging ang driver lamang ng L300 na van ang nakapag-presenta ng kaniyang lisensya bilang identification card, dahil walang dala ang limang iba pa.

Sa ngayon ay hawak muna nila ang mga lalaki at magsasagawa pa aniya sila ng inquiry sa mga ito.

Nakuha mula sa loob ng van ay ilang piraso ng mga laruang baril, mga damit, at hindi bababa sa anim na sako.

Base sa panayam, sinabi ng anim na sila ay nagbebenta ng mga laruang baril at mga damit sa kung saan mayroong pista.

Galing aniya ang mga ito sa Bantayan Island noong Semana Santa, at ibinaba lang nila ang dalawa pa nilang kasama sa Balamban, habang patungo sana sila sa Negros Oriental para sa isang pista kaya dumaan sila sa Oslob.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.