Kauna-unahang cargo spacecraft ng China, pinalipad na sa kalawakan

Posted in: Featured, Foreign, Latest News

Kauna-unahang cargo spacecraft ng China, pinalipad na sa kalawakan

By:

 

Xinhua News Agency

Inilunsad na ng China ngayong gabi ang kanilang kauna-unahang cargo spacecraft.

Ang Tianzhou-1 ay isang medium-sized na rocket na pinapatakbo ng liquid oxygen at kerosene, at kayang magbitbit ng spacecraft at satellites na may bigat na anim na tonelada.

Sinasabing isa itong napakahalagang bahagi ng plano ng China na magkaroon ng operational space station pagdating ng 2020.

Inilunsad ang Tianzhou-1 mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan province, na nakatakdang lumapag sa orbiting space lab na Tiangong-2.

Dinala sa Hainan Province ang Tianzhou-1 noong April 17.

Ayon kay Chinese National Space Administration chief Wu Yanhua, target nilang makamit ang “major space powers of the world” pagdating ng 2030.

Leave a comment