Number 3 “top priority” high value target sa Rizal, arestado

Posted in: Featured, Latest News, Metro, National, Provincial

Number 3 “top priority” high value target sa Rizal, arestado

By:

Number 3 top priority high value target sa Rizal 1
Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ng Rizal Provincial Police Office ang itinuturing na number 3 “top priority” high value target ng buong Rizal na umano’y nagpapakalat ng ilegal na droga sa lalawigan.

Kinilala ang suspek na si Jose Bato 59-anyos na arestado sa ikinasang buy-bust operation sa phase 10 Bankers Village, Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Rizal police Provincial Office Acting Director Pssupt Albert Ocon, minsan ng sumuko sa “oplan tokhang” si bato pero tuloy pa rin sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nasamsam kay Bato ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy-bust money.

Batay sa record na hawak ng Rizal PNP, si Bato ang “dealer” ng shabu sa bayan ng San Mateo, Rizal.

WATCH:

Leave a comment