Notorius na holdaper patay matapos manlaban sa Caloocan

By Jong Manlapaz April 19, 2017 - 04:26 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang notorius na holdaper ng North Caloocan matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Lumalabas sa imbestigasyon nagsagawa ng follow-up operation ang Caloocan Police sa Victory Gate 1, Brgy.180, Caloocan City sa holdapan na nangyari sa Quirino Hi-way noon April 17 ng gabi.

Dalawang suspek ang hinahanap ng mga pulis kabilang si John Rey Obando, ngunit nang maramdaman ng suspek ang presensya ng mga pulis ay agad itong nagpaputok ng improvised shotgun.

Dito na napilitan ang mga operatiba na barilin si Obando na agad nitong ikinamatay.

Ang napatay na suspek ay kilalang holdaper sa Brgy. 171 at 180, Caloccan City na sangkot din sa pagbebenta ng bawal na gamot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.