Chris Brown, sangkot sa panibagong insidente ng panununtok sa isang nightclub sa US

By Mariel Cruz April 18, 2017 - 09:49 AM

FILE - In this Feb. 3, 2014 file photo, R&B singer Chris Brown arrives at a Los Angeles Superior Court for a probation review hearing in Los Angeles. A judge ordered Chris Brown on Friday, Feb. 28, 2014, in Los Angeles, to remain in an anger management rehab program and told the pop singer to return to court in two months. Superior Court Judge James Brandlin scheduled the next hearing in Brown’s case for April 23, 2014.  (AP Photo/Nick Ut, file)
AP Photo/Nick Ut, file

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang isang insidente sa isang nightclub sa Florida, United States kung saan sangkot sa panununtok ang Hollywood RnB singer/rapper na si Chris Brown.

Ayon kay Tampa police spokesman Stephen Hegarty, inireklamo ng photographer na si Bennie Vines Jr. ang panununtok umano sa kanya ni Brown sa isang event.

Si Vines ay kinuha ng Aja Channelside nightclub para maging photographer sa event na si Brown ang host.

Paliwanag ni Vines, habang kumukuha siya ng mga larawan sa nasabing event ay bigla na lamang siyang sinuntok ni Brown.

Nagtamo ng sugat sa labi si Vines bunsod ng panununtok ng singer.

Tumanggi si Vines na ipagamot ang sugat na dahil gagamitin niya itong ebidensya sa paghahain ng reklamo laban kay Brown.

Samantala, kinumpirma naman ng nightclub ang insidente sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at humingi ng paumanhin sa kanilang mga kliyente.

Kamakailan lang ay natapos ni Brown ang kanyang probation sa kasong assault na isinampa sa kanya ng dating girlfriend na si Rihanna dahil sa pambubugbog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.