Imbestigasyon ng Senado sa Oplan Occupy Pandi ng Kadamay, aarangkada na

By Jan Escosio April 18, 2017 - 09:48 AM

Tugade senate
FILE PHOTO

Pangungunahan ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ang public hearing kaugnay sa pag okupa ng libu-libong Kadamay members sa mga housing units ng National Housing Authority sa Pandi, Bulacan noong nakaraang buwan.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, ang namumuno sa naturang komite, isasagawa ang pagdinig sa session hall dahil sa marami silang inimbitahan na mga resource person.

Kabilang na rito sina Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Jun Evasco, NHA Gen. Manager Marcelino Escalada, DSWD Sec. Judy Taguiwalo, Commissioner Antonio Bernardo ng Housing and Land Use Regulatory Board at si PNP chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Kasama rin sina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado, National Anti-poverty Council Sec. Liza Maza at Kadamay leaders sa pangunguna ng national chairperson nito na si Gloria Arellano.

Sinabi ni Ejercito na ilan din sa bibigyan linaw sa pagdinig ay ang diumano’y pagpapabaya ng NHA sa ilang government housing projects, ang paggamit sa pondo para sa socialized housing at ang kalidad ng mga pabahay ng gobyerno.

Nauna nang inihain ng senador ang Senate Resolution 332 noon Marso 17 para maimbestigahan ang isinagawang Occupy Pandi ng Kadamay.

Binanggit ni Ejercito na sa buong bansa ay may 60,000 housing units ang NHA na bakante at nabubulok lang at may 6,000 sa mga ito ay nasa Pandi, Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.