Mga vintage bomb, nahukay sa QC

By Jong Manlapaz April 18, 2017 - 12:06 AM

 

Google Maps

Apat na vintage bomb ang aksidenteng nahukay ng isang backhoe sa Maria Clara St. Brgy. San Isidro Labrador, Quezon City kaninang bago magdilim.

Ayon kay PO3 Marvin Manalo ng CPD Station 1 Explosive Ordnance Disposal or EOD, nagsasagawa sila ng paghuhukay sa nasabing lugar para sa manitenance work ng kalsada ng may tamaan ng matigas na bagay ang dulo ng backhoe.

Sa kwento ni Leandro Isiguchi, helper sa konstruksyon, nang tingnan nila yung inakala nilang simpleng bakal lang ay isa palang sinaunang bomba na ginamit nung panahon ng World War 2.

Ayon kay PO3 Manalo, sa ngayon inaalam pa rin ng EOD kung anong klaseng bomba ang nahukay at kung ito ay sasabog pa.

Pero ang pinaka mahalaga umano ay hindi sumabog ang bomba ng tamaan ito ng dulo ng backhoe at walang nasaktan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.