17 patay sa kasagsagan ng Semana Santa sa North Luzon

By Jay Dones April 17, 2017 - 01:04 AM

 

north luzonUmaabot sa labimpito katao ang nasawi sa iba’t ibang lalawigan sa North Luzon nitong nakalipas na Semana Santa.

Sa lalawigan ng Isabela, siyam katao ang napaulat na namatay sanhi ng pagkalunod noong Byernes Santo at Sabado de Gloria.

Kabilang sa mga nasawi ang magpipinsan na sina Rachel Domingo, Carla Jane Maramag at Rhea Labog nang malunod ang mga ito habang naliligo sa Cagayan River sa bahagi ng Cauayan City.

Nalunod naman sa Pinacanauan river sa Ilagan City ang biktimang si Marvin Balisi, 27 anyos.

Isang bangkay naman ng isang babae ang natagpuang lulutang-lutang sa Cagayan river sa bayan ng Mercedes nitong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa Pangasinan, nasawi rin sa pagkalunod ang isang magdadalawang taong gulang na bata sa Malasin River sa Barangay Malasin sa bayan ng Pozzorubio.

Isang 7 taong gulang na batang lalake naman ang nalunod sa swimming pool sa isang resort sa bayan ng Pozzorubio.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.