P30k na halaga ng shabu, nakumpiska ng PCG sa Romblon

By Kabie Aenlle April 13, 2017 - 12:53 AM

shabuNasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Romblon ang aabot sa P30,000 na halaga ng iligal na droga sa Sitio Torrel, Brgy. Dapawan sa Odiongan, Romblon.

Isinagawa ng Coast Guard Station (CGS) Romblon ang operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong April 9.

Nasukol ang mga suspek na sina Joseph Forio Ignacio, Jones Faigao, Benriv Fronda at Al Fernandez.

Maliban sa mismong iligal na droga, nakumpiska rin mula sa kanila ang mga drug paraphernalia.

Bago dalhin ang mga suspek sa Municipal Police Station sa Odiongan, dinala muna sila sa Romblon Provincial Hospital upang isailalim sa physical examination.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA1059 ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.