P50-M halaga ng shabu, inabandona sa Matnog port

By Jay Dones April 12, 2017 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Umaabot sa higit 50-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Coast Guard sa isang abandonadong sasakyan sa Matnog port sa Sorsogon.

Ang naturang droga na tinatayang aabot sa sampung kilo ay natagpuan sa loob ng isang Toyota Revo na green na nakaparada sa naturang daungan.

Ayon kay Vidal Bacolod, hepe ng PDEA-Sorsogon, una nang inakala ng mga otoridad na naglalaman ng bomba ang naturang sasakyan kaya’t kinailangan pang rumesponde ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division ng PNP.

Nang mabuksan ang naturang sasakyan, tumambad ang nasa dalawampung pakete na naglalaman ng high-grade shabu.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.