Ilang mga “Hudas” sa kanyang buhay pinatawad na ni De Lima

By Jan Escosio April 11, 2017 - 07:42 PM

De Lima SmileDahil panahon ngayon ng kapatawaran, sinabi ni Sen. Leila De Lima na pinatawad na niya ang mga nanghudas sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkaka-kulong.

Sa kanyang sulat mula sa PNP Custodial Center, sinabi ni De Lima na pinatawad na niya ang mga nanakit sa kanya at ang mga nagbigay ng maling testimoniya laban sa kanya at ang kanyang tinutukoy ay sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Rafael Ragos.

Sinabi ng senadora na alam niya na may sariling kalbaryo ang tatlo at bumigay lang ang mga ito sa matinding pressures kanila.

Giit pa nito na alam niya na nadamay lang ang mga nag-akusa sa kanya at katulad niya ay biktima rin lang ang mga ito.

Noong nakaraang linggo ng palaspas ay dinalaw si De Lima ng ilan sa kanyang mga kaalyado sa pulitika sa pangunguna ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS: Aquino, Camp Crame, de lima, hudas, Illegal Drugs, ronnie dayan, Aquino, Camp Crame, de lima, hudas, Illegal Drugs, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.