9 patay sa naganap na bakbakan sa Bohol

By Ruel Perez April 11, 2017 - 04:32 PM

Bohol(Update) Kinumpirma ng Armed forces of the Philippines na siyam na ang patay sa nagpapatuloy na sagupaan ng mga sundalo at armadong grupo sa Inabanga, Bohol.

Ayon kay AFP PAO Chief, Col Edgard Arevalo, 3 na ang namatay sa panig ng militar habang 5 sa panig ng kalaban.

May ulat din na isang miyembro ng Philippine National Police ang namatay sa bakbakan ayon sa joint statement na inilabas ng AFP Central Command at PNP Region 7.

Samantala, dalawa naman sa mga sundalo ang nasugatan at ngayon ay nilalapatan na ng lunas.

Narekober mula sa mga napatay na kalaban ang apat na matataas na kalibre ng baril at isang improvised explosive device.

Sa ngayon, ay di pa makumpirma ng AFP kung ASG nga ang nakalaban grupo.

 

 

AFP operations
Inquirer file photo

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Bohol, PNP, Abu Sayyaf, AFP, Bohol, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.