‘Awra’ winner sa ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

Posted in: Entertainment, Featured, Latest News

‘Awra’ winner sa ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

By:

 

Wagi ang child wonder na si Awra Briguela sa Your Face Sounds Familiar Kids, ng ABS-CBN Channel 2.

Sa grand showdown, ginaya ni Awra si Nicki Minaj.

At sa combined score na mahigit 95%, inanunsyo ng host na si Billy Crawford na si Awra ang nakakuha ng titulo bilang kauna-unahang grand winner ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Isang milyong piso ang iuuwing grand prize ni Awra, bukod sa iba pang premyo.

Ang mga sumunod na nakakuha ng mataas na score ay sina Elha Nympha, na ang ginaya ay si Pavarotti; at AC Bonifacio, na si Sarah Geronimo ang inimpersonate.

Ang iba pang kids na nagpakitang gilas sa panggagaya ay sina Justin Alva bilang Arnel Pineda; Alonzo Mulach bilang Ricky Martin; Lyca Gairanod bilang Yeng Constantino; Sam Shoaf bilang Freddie Mercury at Xia Vigor bilang Madonna.

Ang tatlong hurado ng YFSF kids ay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Sharon Cuneta.

Leave a comment