Sundalo patay sa pagsabog ng Granada sa Army facility sa Cotabato City

August 21, 2015 - 07:31 AM

mapNasawi ang isang sundalo habang isa ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa detachment ng 5th special forces battalion sa Cotabato City.

Naganap ang pagsabog sa facility ng Philippine Army sa Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City.

Hindi pa isinasali liko ang pangalan ng nasawing sundallo. Ang suspek na naghagis ng granada ay mabilis na tumakas.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy na isang M-203 grenade launcher ang ginamit sa pag-atake.

Noon lamang April 18, hinagisan din ng improvised bomb ang nasabign army base ng dalawang suspek na lalaki na sakay ng motorsiklo.

Maswerte namang hindi sumabog ang bombakaya walang nasaktan sa naunang pag-atake./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: grenade blast in army facility in north cotabato, grenade blast in army facility in north cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.