Dalawang sako ng mga nakaw na side mirrors, nakumpiska sa QC

By Jong Manlapaz April 07, 2017 - 06:02 AM

arrestedArestado ang tatlo katao matapos mahulihan ng dalawang sakong assorted side mirrors sa ginawang police operation ng galas police sa Banawe, Quezon City.

Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, habang nagsasagawa sila ng anti-fencing operation sa kahabaan ng Banawe st., Brgy. Tatalon, Quezon City, naaresto nila ang tatlong suspek.

Nakilala ang tatlo na sina Roel Suicon, 27-anyos, Mark Teologo, 36-anyos, at Gerald Abaja, 36-anyos, na pawang mga residente rin ng Brgy. Tatalon.

Ang dalawang sakong iba’t ibang klase ng side mirrors na nakumpiska ay pinaghihinalaang galing sa pagnanakaw.

Sa pag-iimbestiga ng mga Galas police, nakuha rin sa mga suspek ang tatlong maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nakatakda naman iharap ang tatlo sa Quezon City Prosecutor’s Office para sampahan ng kaukulang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.