Barry Manilow, ‘umamin’ na

By Jay Dones April 06, 2017 - 04:16 AM

 

barry manilowMatapos ang halos apat na dekada, kinumpirma na rin ng sikat na mang-aawit at kompositor na si Barry Manilow na isa siyang bakla o ‘gay’.

Sa interview ng ‘People Magazine’ sa 73-anyos na singer at songwriter, inamin rin nito na halos apatnapung taon na siyang may relasyon sa dating television executive at kasalukuyang manager na si Garry Kief.

Noong 2014 pa aniya sila nagpakasal, ayon sa mang-aawit.

Binanggit rin sa panayam ng ‘People Magazine’ ang mga pinagdaanan ni Manilow sa loob ng 39 na ton na pagsusumikap na itago ang kanyang sekswalidad at relasyon sa kapwa niya lalake.

Dagdag pa ng mang-aawit, nangamba siya noon sa posibilidad na hindi matanggap ng publiko kung aamin siyang ‘bakla’ kaya’t nagpasaya siyang ilihim ito ng mahabang panahon.

Bagamat matagal nang haka-haka ang ukol sa sekswalidad ni Manilow, ngayon lamang nito opisyal na kinumpirma sa publiko ang balita.

Si Barry Manilow ang umawit sa mga sikat na kanta tulad ng ‘Mandy’, Even Now, Can’t Smile Without You’, Looks Like We Made It’ at ‘Copacabana’ na sumikat noong 70’s at patuloy pa ring kinakanta hanggang ngayon ng nakararaming tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.