Marlon Stockinger, kasama si Pia Wurtzbach na nagdiwang ng 26th birthday

By Mariel Cruz April 05, 2017 - 04:46 PM

Pia and Marlon
Marlon Stockinger’s IG stories

Sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap, kasama ni Filipino-Swiss racer Marlon Stockinger ang girlfriend na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na magdiwang ng kanyang 26th birthday, kahapon araw ng Martes.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Marlon ang larawan nila ni Pia na magkasamang naglalakad habang ang kanyang kamay ay nasa bewang ng beauty queen.

Sa hiwalay naman na Instagram story post, ipinakita ng kaibigan ni Marlon na si actor-athlete Ivan Carapiet ang larawan ng dalawa na masayang magkasama habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng Filipino-Swiss racer.

Noong nakaraang linggo, lumutang ang isyu na mayroong kambal na anak si Marlon sa dati nitong nobya.

Kasabay nito, naglabas ng exclusive interview ang entertainment website na PEP sa dating girlfriend ni Marlon na si Kit Barraquias, kung saan ibinunyag nito na si Marlon ang biological father ng kanyang kambal na anak.

Ibinahagi ni Kit sa naturang panayam na mag-isa niyang pinalaki ang kanyang kambal, at hindi humihingi ng financial support mula sa pamilya ni Marlon.

Bago pa man lumabas ang naturang panayam, tinanong na si Pia ukol sa naturang isyu, pero sinabi ng pinay beauty queen na wala siyang alam tungkol dito.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagkokomento ang parehong kampo nina Pia at Marlon ukol sa mga naging pahayag ni Kit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.