2 pulis-QC arestado habang nangongotong

By Ruel Perez April 04, 2017 - 04:18 PM

camp-crameNaaresto sa isang entrapment ng PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang dalawang tinaguriang kotong cops sa operasyon isinagawa sa Payatas Road sa Quezon City.

Ayon kay S/Supt. Chiquito Malayo, mag-aalas dos ng hapon kanina ng isagawa ang operasyon at nasakote sina P03 Anthony Tecson at SPO2 Raul

Nadera na mula sa Traffic Division ng QCPD.

Kasama umano ang dalawang pulis sa siyam pang mga suspek na mga empleyado ng QC Hall Traffic Division na nagsasagawa ng random smoke belching test sa mga motorista.

Bago ang entrapment, nakatanggap umano ng mga reklamo ang CITF laban sa dalawang kotong cops na umanoy kakutsaba ng mga empleyado ng QC traffic Division para mangotong sa mga motorista.

Ani Malayo, pinapara umano ng mga kotong cops ang mga motorista at tinatanong kung magbigay na lamang ng pera o isasalang ang kanilang sasakyan sa smoke belching test kung saan ay posible silang ma-isyuhan ng violation ticket.

TAGS: CITF, PNP, QCPD, CITF, PNP, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.