Libreng lupa, hiling ng NDFP sa gobyerno

By Inquirer, Jay Dones April 03, 2017 - 01:06 AM

 

Inquirer file photo

Ang pagkakaroon ng sariling lupa at at industriyalisasyon sa kanayunan ang ilan lamang sa hinihiling ng National Democratic Front (NDF) sa gobyerno.

Ito ang napapaloob sa Draft Agreement on Social and Economic Reforms na kanilang ihahain sa ikaapat na round ng peace talks sa The Netherlands.

Nasa Netherlands na ang mga kinatawan ng gobyerno at NDF sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Sa bersyon ng NDFP sa panukalang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser) libre dapat na maipamahagi ang mga lupain sa mga magsasaka.

Mahalaga anila ito upang maging epektibo ang repormang pang-agraryo at masupil na ang monopolya sa lupain ng iilang mayayaman.

Hiling rin ng NDFP na magkaroon ng industriyalisasyon sa kanayunan na magiging susi upang mapaganda ang kabuhayan ng mga residente sa labas ng mga syudad.

Dapat rin anilang mahinto ang operasyon ng mga open-pit mines at reclamation projects at ipagbawal sa mga foreign at local coprporations na makontrol ang mga biological resources sa pamamagitan ng mga patents.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.