Fire lane sa EDSA, binuksan ng MMDA at BFP

By Mariel Cruz April 02, 2017 - 02:30 PM

edsa
FILE PHOTO

Binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong araw ng Linggo ang ikaapat na lane ng EDSA para sa mga fire trucks.

Sa opening ceremony, ipinakita ng MMDA kung papaano gagamitin naturang fire lane.

Sa tulong BFP, nasagawa ng fire drill sa kahabaan ng EDSA-Boni Avenue sa Mandaluyong City.

Ayon kay BFP National Capital Region Regional director Wilbero Kwan Tiu, gamit ang fire lane, ang pang-apat na lane mula sidewalk sa EDSA, mas mabilis na makakapag-responde ang mga bumbero sa sunog lalo na kapag rush hour.

Lahat aniya ng firetruck sa Metro Manila ay iisa na lamang ang gagamitin na lane.

Sa halip aniya na ang firetruck ang iiwa, ang mga motorista na ang dapat umiwas kapag may pagkakataon.

Kasabay nito, hinimok ni Kwan Tiu ang lahat ng alkalde sa Metro Manila na maglagay din ng fire lanes sa kani-kanilang area of jurisdiction, bukod sa EDSA.

Dagdag ni Kwan Tiu, mamarkahan ng BFP ang mga fire lane bilang no parking zone at ang mga lalabag na motorista ay may parusa na haharapin sa paglabag sa Fire Code of the Philippines.

Maaari din aniyang basagin ng mga bumbero ang bintana ng mga sasakyan para mapaalis sa fire lanes lalo na kapag may emergency.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.