Mga vigilante nakakula lamang ng istilo kay Digong

By Chona Yu March 30, 2017 - 11:38 AM

Duterte VietnamInihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha lamang sa kanya ng taktika ang mga vigilante na gumagala at pumapatay ngayon sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Inamin din ng pangulo na mayroong mga gumagalang vigilante sa Pilipinas.

Sinabi nito na kahit sinong ama kapag na rape o napatay ang kanilang anak ng isang drug addict tiyak na maghihiganti ito.

Kapag nagkataon ayon sa pangulo na nabiktima ng rape ang anak niyang babae, bibili siya ng silencer at hahanapin ang nangbiktima sa kanyang anak.

Kahit na hindi siya presidente at ordinaryong sibilyan na lamang ay gagawin niya ito.

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, Pilipinas, vigilante, Pangulong Rodrigo Duterte, Pilipinas, vigilante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.