Motorcycle rider, patay sa hit and run

By Cyrille Cupino March 30, 2017 - 08:03 AM

MIA Rd., Parañaque City 4
Kuha ni Cyrille Cupino

Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos mabiktima ng hit and run sa MIA Rd. sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Edlin Garay, 37 anyos, na sakay ng motorsiklong may plate number NA 85274.

Tumama ang motor at katawan ng biktima sa makapal na poste sa ilalim ng NAIA Expressway at nabagok ang ulo nito.

Tumalsik naman ang motorsiklo ng biktima sa gitnang bahagi ng kalsada.

Basag ang mukha at naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang matagpuan ng mga gasoline boy katapat lamang ng pinangyarihan ng aksidente.

Batay sa kwento ng isang nakasaksi, isa umanong van ang nakabangga sa biktima.

Matapos ang aksidente, sinilip pa umano ng driver ang biktima, pero kaagad rin itong sumakay sa sasakyan saka tumakas.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Parañaque Traffic Bureau ang naturang aksidente.

 

WATCH:

TAGS: Akdsidente, Edlin Garay, MIA Rd., NAIA Expressway, paranaque city, patay, Tambo, Akdsidente, Edlin Garay, MIA Rd., NAIA Expressway, paranaque city, patay, Tambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.