Mga pulis na inirereklamo ng human rights violations, tumataas

By Jay Dones March 30, 2017 - 01:45 AM

 

dead blumentrittTumataas ang bilang ng mga pulis na inirereklamo ng paglabag sa human rights para sa unang quarter ng 2017.

Ayon sa datos ng PNP-Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO) mas mataas ito kung ikukumpara sa mga naitalang kaso sa kaparehong panahon sa nakalipas na tatlong taon.

Noong 2014, nasa 174 pulis ang naakusahan ng human rights violation samantalang 131 naman noong 2015 at 105 noong 2016.

Gayunman, sa taong ito, nasa 54 pulis na ang inireklamo ng paglabag sa karapatang pantao simula noong January hanggang February pa lamang.

Paliwanag ni Chief Supt. Dennis Siervo, hepe ng PNP-HRAO, ito ang dahilan kaya’t plano nilang paigtingin ang education campaign sa mga alagad ng batas upang umiwas na labagin ang karapatang pantao ng mga sibilyan.
Dapat ito aniyang matugunan dahil isang malaking isyu ang umano’y human rights violation sa bansa sa Europa at iba pang panig ng mundo.

Kung hindi aniya mareresolba ang usapin ay posibleng malagay sa alanganin ang pagpasok ng mga produkto ng Pilipinas sa European market at iba pang trade incentives batay sa paliwanag sa kanya ng Philippine Ambassador to Geneva kamakailan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.