BABALA-maselang video: Magsasaka, nilulon ng sawa sa Indonesia

By Kabie Aenlle March 30, 2017 - 04:17 AM

 

python indonesiaNatagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng tiyan ng isang python na may habang pitong metro sa Indonesia.

Naitalang nawawala ang biktimang si Akbar Salubiro mula pa noong March 26.

Hindi na siya muling nakita mula nang tumungo ito sa isang liblib na village sa Sulawesi island para mag-ani ng palm oil.

Nakita ang malaking sawa malapit sa hardin ni Akbar, at naka-bakat pa ang suot na bota ng bente singko anyos na biktima sa tiyan nito.

Dahil dito, gumamit ang mga residente ng malaking kutsilyo upang hiwain ang tiyan ng sawa, at doon na nila unti-unting nakita ang buo pang katawan ng lalaki.

Buo pa ang katawan ni Akbar nang matagpuan nito matapos mabuksan nang tuluyan ang sawa.

Walang kaalam-alam ang misis ni Akbar sa nangyari, at nalaman lang ito nang lumabas na ang mga video at larawan sa social media.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.