Liberal Party hindi makikisawsaw sa dinner nina Duterte at Robredo

By Jan Escosio March 29, 2017 - 04:54 PM

kiko-pangilinan
Inquirer file photo

Walang nakikitang masamang motibo si Liberal Party President at Sen. Kiko Pangilinan sa pag-imbita ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hapunan kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Pangilinan bagaman maituturing na baguhan sa pulitika si Robredo, maybahay siya ng namayapang Interior Sec. Jesse Robredo na matagal din nagsilbi bilang elected local official kaya’t malawak na rin ang kaalaman ng bise presidente sa mga motibong pulitikal.

Ito aniya ang dahilan kaya’t sa kanyang palagay ay hindi na dapat pa nilang panghimasukan o bigyan kulay ang dinner ng dalawang matataas na opisyal ng bansa.

Dagdag pa nito, may tiwala sila sa kanilang partido na anuman ang mga mabibigat na isyu na mapapag-usapan ng dalawa sa hapunan ay ikokonsulta pa rin ito sa kanila ni Robredo.

Muli lang din ipinagdiinan ni Pangilinan na walang anuman balak o ginagawa ng hakbang ang kanilang partido para pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Nauna nang sinabi ni Robredo na pauunlakan niya ang imbitasyon para sa isang dinner ni Duterte para maipaliwanag niya ang kanyang posisyon sa mga state policy ng pamahalaan.

TAGS: dinner, duterte, liberal party, pangilinan, Robredo, dinner, duterte, liberal party, pangilinan, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.