NPA walang karapatang humawak ng mga armas ayon sa AFP

By Ruel Perez March 29, 2017 - 04:18 PM

Guns1
Inquirer file photo

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tanging ang mga sundalo, pulis at iba pang law enforcement agencies lamang ang  legal na mga institusyon na dapat may hawak ng armas.

Ito ang pagbibigay diin ni AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla bilang tugon sa sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na idinidepensa lamang ng mga kasapi ng New People’s Army ang kanilang mga sarili laban sa militar kaya may taglay na mga armas ang mga ito.

Giit ni Padilla, kailangang  maipaliwanag at maintindihan ng mamamayan na sinumang grupo o indibidwal na nagtataglay o may hawak ng mga armas na walang kaukulang lisensiya ay iligal.

Kaya kahit umano saan anggulo tingnan, maituturing aniyang karahasan at labag sa batas ang mga aktibidad na ginagawa ng NPA gamit ang mga armas na iligal nilang nakuha o hawak hawak ngayon.

TAGS: AFP, guns, NPA, ocampo, PNP, AFP, guns, NPA, ocampo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.