Tatlo patay, mag-asawa sugatan sa pamamaril sa QC

By Erwin Aguilon, Jong Manlapaz, Ricky Brozas March 29, 2017 - 08:35 AM

TATLO PATAYTatlo ang nasawi makaraang pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Commonwealth Ave., Barangay Old Balara, Quezon City.

Mga tama ng bala sa ulo ang tinamo ng mga biktimang sina Robert Mago, isang alyas Anabelle at isang alyas Roy.

Ayon sa mga residente tatlong suspek na nakasuot ng bonnet ang pumasok sa nasabing bahay na sinasabing pugad ng video karera.

Ilang sandal pa at nakarinig na lamang ang mga tao sa lugar ng sunod-sunod na putok ng baril at mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Walong basyo ng bala ng baril ang narecover ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, dalawa naman ang nasugatan matapos mamaril ang tiyuhin ng isa sa mga nasawi na si Mando Tahil.

Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang isang mag-asawa na hinihinala nitong suspek sa pamamasalng sa kanyang pamangkin gamit ang isang shotgun.

Isinugod na sa ospital ng mag-asawa habang arestado naman ang suspek.

TAGS: 3 PATAY, alyas Anabelle, alyas Roy, barangay, commonwealth ave, Mando Tahil, old balara, Pamamaril, quezon city, Robert Mago, suspek naka bonnet, 3 PATAY, alyas Anabelle, alyas Roy, barangay, commonwealth ave, Mando Tahil, old balara, Pamamaril, quezon city, Robert Mago, suspek naka bonnet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.