Mga anak ni Pangulong Duterte, nagpaabot ng kanya-kanyang pagbati para sa ika-72 kaarawan ng kanilang ama

By Mariel Cruz March 28, 2017 - 01:37 PM

BDAY GREETINGS
Photo from Sara and Paolo Duterte’s FB account

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-72 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, nagpaabot ng kanya-kanyang pagbati at birthday wish ang mga anak ng pangulo sa kanilang ama.

Nagpost si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio ng larawan kasama si Pangulong Duterte na kuha sa binyag ng kanyang bunsong anak na si “Stonefish”.

Sa caption ng larawan, sinabi ni Mayor Sara na good health ang birthday wish niya para sa kanyang ama.

Binanggit din ng panganay na anak ng pangulo na magpadala na lamang sa kanila ng ‘Humba’, isang pork dish, para sa tanghalian.

Sa hiwalay naman na post, binati at nagpasalamat si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang ama.

Nagpasalamat si Vice Mayor Paolo sa pagsugal ng buhay ng kanilang ama para sa bansa.

Nangako din ang bise alkalde na patuloy nilang susuportahan ang pangulo sa mga ipinaglalaban nito para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng pangulo na ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan sa simpleng paraan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.