WATCH: Taxi, sumalpok sa concrete barrier sa Pasay; Driver at pasahero, sugatan

March 27, 2017 - 08:00 AM

Sinalpok ng isang taxi ang mga concrete barrier paakyat ng Buendia flyover sa Roxas Blvd., Pasay City.

Wasak ang hood at gulong, tumalsik ang baterya at nabasag ang windshield ng Dref-zeo-pol Trans na may plakang UVM 470.

Sugatan rin ang driver ng taxi na si Edgardo Lacatan na nagtamo ng malalim na sugat sa kaliwang binti, at ang pasaherong si Boy Vet Anob.

Aminado naman ang driver na nakaidlip siya dahilan para hindi niya makita ang mga concrete barrier.

Kwento naman ng pasahero, natutulog na rin siya habang nasa biyahe at nagising na lamang nang bumangga na ang sinasakyang taxi

Palipad na sana papuntang ibang bansa ang pasahero na nakatakda sanang sumailalim sa physical examination ngayong araw.

Paalala naman ng mga otoridad, kung nakararamdam na ng antok, mas makabubuting itabi muna ang sasakyan at matulog kahit sandali.

Posible namang maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property at physical injuries.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.