4 patay sa Bonnet Gang sa Payatas

By Ricky Brozas March 26, 2017 - 03:09 PM

crime-scene-300x200Nasawi ang apat na katao matapos pagbabarilin ng mga umano’y miyembro ng “Bonnet Gang” sa Payatas, Quezon City.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mga biktima matapos puwersahang pasukin ng tatlong lalaki ang inuupahan ng isang Criselda Chua, 36 anyos, sa panulukan ng Golden Hills at Chocolate Hills Streets.

Nabatid na Sabado pa nangyari ang pamamaril subalit Linggo lamang ng umaga ini-ulat ng isang concerned citizen sa pamunuan ng Brgy. Payatas.

Ayon sa barangay tanod na si Nicanor Silanga, may narinig na magkakasunod na putok ang mga residente sa lugar at nang siyasatin ay tumambad ang mga duguang bangkay ng mga biktima.

Maliban kay Chua, kabilang din sa mga napatay ang isang Anthony Salazar, 29 anyos, Leo Barba, 36 anyos; at Tirso Cervantes, 50 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa krimen dahil sa mga natagpuang drug paraphernalia sa crime scene.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.