Zayn Malik, naglabas ng bagong kanta

By Rod Lagusad March 26, 2017 - 01:27 AM

Naglabas ng bagong kanta ang British singer na si Zayn Malik na may pamagat na ‘Still Got Time’.

Kasama ni Zayn sa kantang ito ang Toronto rapper na si PartyNextDoor.

Ang  lyric video para sa kanyang pinakabagong kanta na may lyrics na “Just stop lookin’ for love/You still got time/Girl, you know you still got time” ay meron ng nasa halos dalawang milyong views.

Ang naturang upbeat at tropical track ay ang unang single para sa kanyang pangalawang solo album na ilalabas ngayong summer.

Matatandaang matapos umalis sa One Direction si Malik, siya ang naging kauna-unahang British solo artist na mag-debut sa No. 1 spot sa para sa isang debut album sa US Billboard Top 200 chart at UK Albums chart para sa kanyang album na “Mind of Mine”.

TAGS: ONe Direction, PartyNextDoor, Still Got Time, Zayn Malik, ONe Direction, PartyNextDoor, Still Got Time, Zayn Malik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.