Baste gustong ipasok sa PMA ni Duterte

By Angellic Jordan March 25, 2017 - 01:40 PM

Baste DuterteHiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasok ang bunsong anak na si Sebastian “Baste” Duterte sa Philippine Military Academy bunsod ng aniya’y pambabae nito.

Sa isinagawang graduation ceremony ng Philippine National Police Academy Masidlak Class of 2017, pabirong sinabi ng pangulo na nais niyang pumasok sa PMA ang anak upang mabugbog.

Paliwanag ng pangulo, wala nang ibang ginagawa ang anak kundi ang mambabae.

Bago pa ito, matatandaang pinaalalahanan na ng pangulo si Baste na napapabayaan na ang dalawang anak dahil sa ginagawa nito.

Inamin naman ng pangulo na hindi madalas nakakapag-usap si Baste kaya ginamit aniya niya ang media upang tawagin ang atensyon ng anak.

Bunsod nito, nakiusap si Baste sa ama na huwag siyang ipahiya sa publiko at pasaring pang sinabi na gusto niya talaga ang pagiging “favorite” na anak sa pamilya.

TAGS: Baste Duterte, PMA, PNPA, Baste Duterte, PMA, PNPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.