Maglive-in partner, patay sa pamamaril sa Bagong Silang, North Caloocan

By Jong Manlapaz March 24, 2017 - 08:54 AM SHARE(S):
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang mag-live in partner matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Brgy. 176 Bagong Silang, North Caloocan, gabi ng Huwebes.

Kinilala ang mga biktima bilang si Anacleto Dela Cruz, isang tricycle driver at kinakasama nito na si Licel Chua.

Kwento ng nakasaksi na si Marvin, tatlong lalaking naka jacket na may takip ng panyo ang mukha at naka-sumbrero ang nagpakilala umanong mga pulis na pumasok sa kanilang bahay.

Hinila aniya siya ng mga suspek at pinakitaan ng baril ngunit tinawag ng kasamahan nila ang dalawang lalaki na sinenyasan naman at itinuro ang bahay ng maglive-in partner.

Nakarinig na lamang umano sila ng tatlo hanggang apat na putok ng baril at naglakad lamang umano papalayo ang mga suspek.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, mabait naman umano sila at walang kaaway.

Hindi naman aniya nila masabi kung nauugnay sa ilegal na droga ang dalawa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Caloocan police sa naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.