Robredo, De Lima at Trillanes gusto akong patalsikin-Duterte

By Jay Dones March 24, 2017 - 03:40 AM

 

Screengrab RTVM

Tahasang inakusahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Vice President Leni Robredo,Senador Leila De Lima at Senador Antonio Trillanes may kanya-kanyang balak umano na patalsikin siya sa puwesto.

Sa kanyang pagdalo sa Integrated Bar of the Philippines National Convention of Lawyers, tinukoy ng pangulo ang tatlo na siyang gumagawa ng mga paraan upang mapababa siya sa puwesto.

Ginamit rin ng pangulo ang pagkakataon upang muling banatan ang mga bumabatikos sa kanya.

“Prangka tayo. They want me ousted. Who’s behind it? Itong si Trillanes, sundalo mabuti pang security guard ito.” giit ng pangulo.

“Sinong Isa? Si De Lima, gusto niya akong paalisin, wala naman akong ginawang exhibition.”

“Pangatlo si Leni, e natural kasi bakit pa siya maghintay kung nandiyan yung opportunity.” Pahayag pa ng pangulo.

Gayunman, ipinaliwanag nito na naiintindhan niya si Robredo dahil bilang isang pulitiko, kailangan nitong magbigay ng posisyon sa mga isyu.

Ito aniya ay bahagi na ng pulitika dagdag pa ng presidente.

Naniniwala rin ang pangulo na masyado pang maaga upang isulong ang anumang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.