Walang Pinoy na apektado sa Westminster attack – Philippine Embassy

By Kabie Aenlle March 23, 2017 - 12:20 PM

C7jqZs4WkAErErXNagpahatid ng mensahe ng pakikiramay ang embahada ng Pilipinas sa London, matapos ang pag-atake na ikinasawi ng lima katao sa labas ng British Parliament.

Sa pahayag na inilabas ng Philippine Embassy sa London, nakikidalamhati sila sa mga mahal sa buhay ng mga biktima at mga naapektuhan ng pag-atake sa Westminster.

Kinumpirma naman ng embahada na sa ngayon, wala pa silang natatanggap na ulat na mayroong Pilipinong naapektuhan ng nasabing terror attack.

Hinihimok nila ang lahat ng mga Pilipino sa United Kingdom na manatiling mapagmatyag at nakaantabay sa mga abiso ng mga local security officials.

Sakali naman anilang mayroong mga Pilipinong mangangailangan ng tulong ng embahada sa London, tawagan lamang ang kanilang Emergency Hotline na +44 7802 790695.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.