De Lima, tinawag na ‘reyna’ ng impyerno ni Duterte

By Jay Dones March 23, 2017 - 02:46 AM

 

Inquirer file photo

Kung siya man ay mapupunta sa impyerno, titiyakin raw ni Pangulong Duterte na isasama niya doon si Senador Leila De Lima.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa harap ng maraming mga Pilipino na nakinig sa kanyang talumpati sa Royal Thai Navy headquarters sa Thailand sa ikalawang araw ng kanyang official visit sa naturang bansa.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte, sinabi nito na kung edad lamang ang pagbabatayan, tiyakang mauuna siya sa impyerno kay De Lima.

Gayunman, kung darating aniya ang senadora, siya pa mismo aniya ang maghaharap dito kay Satanas at sasabihing: “Señor Satanas, dumating na ang reyna na hinihintay mo.”

Tinawag rin na makapal ang mukha ng pangulo ang senadora.

“Alam mo, lapitan mo iyan, laslasan mo ng blade, hindi tatalab, buhusan mo ng asido ang mukha, ganoon lang iyan, balewala” pahayag ng pangulo na umani ng reaksyon mula sa mga nanonood ng talumpati.

Pabiro ring ikinwento ng pangulo ang kanya umanong payo sa mga guwardiya ng senadora sa PNP Detention Center na lumayo sa mambabatas dahil maging ang guwardiya at driver daw nito ay pinatulan ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.