LeBron James, dumating na sa bansa

August 19, 2015 - 08:06 PM

 

Inquirer.net file photo

Nasa bansa na ang National Basketball Association superstar at 4-time MVP na si LeBron James.

Ito ay para sa nakatakdang pagdalo ng Clevaland Cavaliers player sa Nike Rise Philippines ng naturang sikat na brand ng sports shoes.

Layunin ng programa ang makahanap ng mga Pinoy na may talento sa paglalaro ng basketball.

Ang mga mapipiling manlalaro ay magiging bahagi ng isang programa na tutulong upang mas maging mahusay ang mga ito sa naturang larangan.

Nakatakda naman na harapin ni LeBron ang kanyang mga fans sa isang showcase sa Mall of Asia Arena sa Huwebes.

Dumating si Lebron sa bansa sakay ng eroplanong Gulfstream 5 kaninang 5:35 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport./ Mariel Cruz

 

 

TAGS: LeBron James, LeBron James

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.