OVP pumalag sa paulit-ulit na pagpapalutang ng impeachment issue laban kay Robredo

By Rod Lagusad March 22, 2017 - 05:01 PM

Leni Robredo11Kinondena ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang iresponsable at walang basehang banta ng impeachment ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, napaka-iresponsable ang naging pahayag na ito dahil sa kanilang pagkakaunawa ay walang basehan ang mga naturang banta o pananakot.

Aniya ang ginawa ni Robredo ay hindi layong ipahiya ang administrasyon kung hindi ipakita ang commitment ng bansa at para maipakita na kinikilala nito ang kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng umanoy paglabag sa karapatang pantao sa kampanya kontra ilegal na droga at na may gagawin tayo para maresolba ito.

Dagdag pa ni Hernandez na hindi tama na kapag may sinabi ang pangalawang pangulo at hindi nagustuhan ng administrasyon ay panghihimasukan nila ito.

Nagtataka din ang kampo ni Robredo kung bakit pilit na sinasabi ng mga taong nakapaligid sa Pangulo na merong destabilization plot gayung mismong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagsasabi na wala.

TAGS: Alvarez, impeachment, Robredo, vice president, Alvarez, impeachment, Robredo, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.