2 pulis, pinakahuling casualty sa nagpapatuloy na Oplan Tokhang Part 2

By Ruel Perez March 22, 2017 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Dalawang  pulis na ang naitalang napatay kaugnay sa ikinakasang anti- illegal drugs operation ng PNP nitong nakalipas na araw.

Dalawang pulis din ang naitatalang sugatan sa mga operasyon .

Sa datos ng PNP, simula noong March 6 nang umpisahan ang Oplan Tokhang part 2,  nadagdagan ng lima o pumalo na sa 39 na mga drug personalities ang napapatay sa mga operasyon sa nakalipas na buong magdamag.

Hanggang kahapon naman, nakapagsagawa ang PNP nang 1,594 drug operations.

Sa mga operasyong ito 2,485 ang naaresto, 10,562 ang sumuko at 107,087 mga kabahayan ang na katok ng mga pulis sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.