1 sundalo, patay; 8 iba pa, sugatan sa pananambang ng NPA sa Sultan Kudarat

By Rohanisa Abbas March 21, 2017 - 02:22 PM

SUKTAN KUDARATIsang sundalo ang patay habang walong iba pa ang sugatan nang tambangan ng New People’s Armya ang Marine Battalion Landing Team (MBLT-8) sa Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon kay Mayor Ronan Eugene Garcia, nagtungo ang mga sundalo sa Barangay Hinanlaan dakong alas-10:00 ng umaga ng Lunes nang pagbabarilin sila ng mga rebelde.

Nauwi sa engkwentro ang insidente. Wala namang nasawi sa panig ng NPA.

Ayon kay Garcia, wala naman talagang mga rebelde sa Kalamansig, ngunit dumayo ang NPA mula sa mga kalapit na bayan at inimpluwensyahan umano ang mga tao sa lugar, partikular na ang indigenous peoples.

Hindi naman pinangalanan ang sundalong napatay dahil ipaalam pa muna sa kanyang pamilya ang sinapit nito.

Ginagamot na sa ospital ang walong sundalong sugatan.

TAGS: Barangay Hinanlaan, Mayor Ronan Eugene Garcia, NPA, rebelde, Barangay Hinanlaan, Mayor Ronan Eugene Garcia, NPA, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.