Babae patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Cyrille Cupino March 21, 2017 - 10:41 AM

PATAY SA PAMAMARIL TONDO
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Antipolo St., Brgy. 227, Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Gladys Tomas, 23 anyos, nakatira sa Tambunting St., malapit lang sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Limang tama ng bala mula sa caliber .45 sa likod ang tinamo ng biktima.

Kwento ng boyfriend ng biktima na si JR Nalos, pasado alas-dyes ng gabi Lunes, March 20 nang magpaalam sa kanya ang girlfriend na lalabas lang sandali.

Hindi naman umano binanggit ng biktima kung saan siya pupunta.

Kwento ni Nalos, wala pang isang taon ay napatay din ang ex-boyfriend ng biktima na sangkot sa iligal na droga.

Nakuha sa Scene of the Crime Operatives sa crime scene ang limang basyo ng bala ng caliber .45.

Iniimbestigahan pa naman ngayon ng Manila Police District Homicide Division ang naturang pagpatay.

WATCH:

TAGS: Gladys Tomas, MPD, Pamamaril, Tondo Manila, Gladys Tomas, MPD, Pamamaril, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.