Holdaper, patay sa engkwentro ng mga pulis sa Parañaque

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Holdaper, patay sa engkwentro ng mga pulis sa Parañaque

By:

HOLDAPPER PATAY
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay matapos manlaban sa mga pulis ang isang holdaper sa C-5 Extension, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspect na nakasuot ng itim na t-shirt, dark grey na shorts, at tsinelas.

Nakuha rin sa tabi ng suspect ang isang caliber 38 na revolver at ang bag na kinuha mula sa babaeng biktima.

Kwento ng biktima na ayaw nang magpakilala, naka-tambay siya sa labas ng isang coffee shop nang biglang lapitan ng suspect, tinutukan ng baril at nagdeklara ng hold-up.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, chief of police ng Parañaque, nakahingi ng tulong ang biktima mula sa mga pulis na nagpa-patrolya malapit sa lugar.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at namataan ang suspect sa madilim na bahagi ng C-5 Extension.

Nang huhulihin na ang suspect, agad itong bumunot ng baril dahilan para paputukan rin ng mga pulis at mapatay on-the-spot.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari at para matukoy rin ang pagkakakilanlan ng suspect.

WATCH:

Leave a comment