Dalawa arestado sa bitbit na sari-saring patalim sa Parañaque

Posted in: Featured, Latest News, Metro

Dalawa arestado sa bitbit na sari-saring patalim sa Parañaque

By:

 

knifeArestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng iba’t ibang klase ng patalim sa Parañaque City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga opisyal ng Barangay San Antonio na may mga kahina-hinalang lalaki na nagtatago sa loob ng isang abandonadong gusali sa lugar.

Dahil dito, nag-ronda ang mga barangay tanod at doon na nila nakita ang mga suspect na sina Lemuel Rojas at Rodolfo Montoya.

Nahulihan ang mga suspect ng apat na kutsilyo na iba’t iba ang laki, at dalawang ice pick.

Hinihinalang sangkot sa mga holdapan sa lugar ang mga nahuling suspect.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of deadly weapon ang dalawang suspect.

Leave a comment