Walang ebidensya na na-wiretap ni Obama si Trump-FBI

By Jay Dones March 21, 2017 - 04:19 AM SHARE(S):

 

Trump-US-Elections-620x413Walang nakitang ebidensya ang Federal Bureau of investigstion (FBI) na makapagpapatunay sa alegasyon ni US President Donald trump na na-wiretap ni dating US President Barack Obama ang Trump Tower.

May kaugnayan ang imbestigasyon ng FBI at ng Committee on Intelligence ng US Congress sa mga ’tweet’ noong ni Trump na nag-aakusa sa nakaraang administrasyon ng pag-wiretap sa kanya at sa kanyang pag-aaring gusali.

Sinabi ni FBI Director James Comey sa pagdinig ng Intelligence Committee na wala silang impormasyon na susuporta sa naturang alegasyon ng kanilang presidente.

Ganito rin aniya ang resulta ng pagsisiyasat ng US Department of Justice at mga kaakibat na sangy nito.

Paliwanag pa ni Comey, hindi maaring basta na lamang magsagawa ng wiretapping sa Amerika.

Kahit ang presidente aniya ay hindi maaring basta ipag-utos ang pagsasagawa ng wiretapping sa isang tao o grupo.

Bago ito aniya isakapatuparan ay kinakailangang may kaukulang koordinasyon at pagsang-ayon sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno, dagdag pa ng FBI Director.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.