Pangulong Duterte nasa Bangkok, Thailand na

Posted in: Featured, Latest News, National

Pangulong Duterte nasa Bangkok, Thailand na

By:

 

Screengrab RTVM

Nasa Bangkok, Thailand na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang delegasyon nito para sa kanyang 3-araw na official visit sa naturang bansa.

Lumapag ang eroplano ng pangulo sa Royal Thai Airforce Military Air Terminal 2 dakong alas 11:47 ng gabi ng Lunes, oras sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbisita sa Thailand, inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo kay Thai Prime Minister Prayuth Chan -Ocha para pag-usapan ang pagpapaigting ng ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.

Sasaksihan rin ng pangulo ang lagdaan ng tatlong bilateral agreement sa larangan ng science and technology, turismo at agrikultura.

Makikipagkita rin ang pangulo sa nasa 2,000 miyembro ng Filipino community sa Thailand.

Bago magtungo sa Thailand, bumisita muna sa Myanmar si pangulong Duterte.

Leave a comment