Henry Sy, pinakamayamang bilyunaryo pa rin sa Pilipinas-Forbes

Posted in: Featured, Latest News, National

Henry Sy, pinakamayamang bilyunaryo pa rin sa Pilipinas-Forbes

By:

 

henry-sy3Si Henry Sy ng SM ang muling nanguna sa listahan ng mga pinakamayamang bilyonaryo sa Pilipinas para sa taong 2017,batay sa pinakahuling ranking ng Forbes magazine.

Ayon sa Forbes, si Sy ay may kabuuang net worth na $12.7 billion at pang-94th sa pinakamayamang tao sa buong mundo.

Pangalawa naman sa listahan sa pinakamayamang tao sa Pilipinas ang tycoon na si John Gokongwei ng JG summit Group na may $5.8 billion.

Nasa ikatlong puwesto si Lucio Tan ng Philippine Airlines at Asia Brewery na may $3.7 billion.

Samantala, si Bill Gates naman ang itinuturing na pinakamayaman pa rin sa buong mundo sa ikaapat na pagkakataon.

Si Gates ay may $86 billion net worth na mas mataas ng 11 billion dollars kumpara sa yaman nito noong nakaraang taong 2016.

Umaabot sa 2,034 katao ang may ‘billionaire status’ sa buong mundo na may kabuuang kayamanan na aabot sa $7.67 trillion ayon sa Forbes.

720 sa mga ito ang nakatira sa Southeast Asia.

Leave a comment