Cebu road rage suspect, susuko na umano

Posted in: Featured, Latest News, National

Cebu road rage suspect, susuko na umano

By: ,

 

Courtesy CCPO

Ibinunyag ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na nakipag-ugnayan na sa kanya ang magulang ng isang negosyanteng taga-Cebu na sangkot sa pamamaril ng isang male nurse, noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Go, tinext siya ng nagpakilalang ina ni David Lim Jr.

Ayon sa text ni Ginang Lim, isusuko niya ang kanyang anak ngayong araw ng Martes, (March 21) kay Superintendent Noli Taliño.

Nagpapatulong ito sa Kalihim para sa ligtas na pagsuko ng anak.

Madaling araw noong March 19, nakuhanan ng dashboard camera ng isang motorista ang pamamaril ni David Lim Jr. sa nurse na si Ephraim Nuñal matapos ang away-trapiko sa kahabaan ng Sotto St., Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Nakarating kay Sectary Go ang video at agad na inilagay sa ilalim ng watchlist ng Bureau of Immigration ang nakababatang Lim na napaulat na nakalipad agad patungo ng Hong Kong, Linggo ng hapon.

Linggo rin ng gabi, sinalakay ng mga pulis ang dalawa sa mga bahay umano ni Lim sa Cebu City ngunit nabigo ang mga itong matagpuan ang suspek.

Naglaan na rin ng P100,000 pisong pabuya ang si Cebu City mayor Tomas Osmeña para sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.

Namamalagi naman sa ospital ang biktimang si Nuñal dahil sa tama ng bala sa kanyang paa at hita resulta ng insidente.

Leave a comment